Sina sa paniniwalang walang mabuting kinabukasan ang mangyayari kung

Sina Delfin at Felipe
ay magkaibigan na kapwa nagtataglay ng mga adhikain at ideolohiyang may
kaugnayan sa sosyalismo.  Si Felipe ay anak ni Kapitang Loloy na pangulo sa isang
bayan sa Silangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng
pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan nito sa mga maralitang kasama sa
bukid at sa mga utusan sa bahay ay tinalikdan niya ang kanilang kayaman,
pumasok na manggagawa sa isang palimbagan, at nanligaw sa isang maralita ngunit
marangal na dalaga si Tentay.

 

Ito ang
ikangitngit ng kanyang ama, sa paniniwalang walang mabuting kinabukasan ang
mangyayari kung magkakatuluyang magsama ang magkasintahan. Sapilitang iniuwi ni
Kapitang Loloy si Felipe sa lalawigan, subalit nagsagawa naman ng
indoktrinasyon si Felipe sa mga magsasaka hinggil sa pinaniniwalaang
rebolusyong panlipunan, at naging sanhi ito upang isuplong siya ng katiwala sa
ama. Napoot si Kapitang Loloy, at itinakwil ang anak. Pagkaraan nito, nagbalik
si Felipe kay Tentay, at nakipamuhay dito nang parang mag-asawa, matapos
ipagtanggol ang mag-anak nito laban kay Juan Karugdog na isang
manyakis, bagaman ayaw magpakasal noong una si Felipe sapagkat tutol siya
sa mga sermonyas at lubos na naniniwala siya kalayaan
ng indibidwal at sa malayang
pag-ibig.

We Will Write a Custom Essay Specifically
For You For Only $13.90/page!


order now

.

Ang mga paraan naman ni Don Ramon (kung saan
nakitira si Felipe) sa pagpapayaman, ang kanyang mababang pagtingin sa
mahihirap at ang pag-api niya sa mga pinamumununan ay nakapagpalubha sa
pagkamuhi ni Felipe sa lahat ng mayayaman at nagpapatibay sa kanyang pagiging
anarkista.  Pinangarap niya ang araw na
mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng batas, at ang lahat ng mga tao’y
magkakapantay-pantay at magtatamasa ng lubos na kalayaan at patas na ginhawa sa
buhay.

 

Si
Delfin naman ay mula rin sa angkan ng mga mayayaman, ngunit naghirap nang yumao
ang kaniyang mga magulang at ampunin ng ibang tao. Dumanas siya ng hirap sa
pagpasok sa iba’t ibang trabaho, at ang hirap na ito ang naging aktwalisasyon ng
mga teoryang nasagap niya sa pagbabasa ng mga aklat na sumusuysoy sa sosyalismo
sa Europa. Siya
ay hindi anarkista kundi isang sosyalista. Hindi niya hinahangad na mawala ang
pamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan
sa ilang taong nagpapasaya sa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom,
nagtitiis at namamtay sa karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ng anak ng
kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na ulilang pinalaki ng kanyang
tiya. Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang manunulat sa
isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe ngunit hindi kasing
galing nito.  Nais ni Felipe ang maagang
pagtatamo ng kanilang layunin, kahit ito’y daanin sa marahas na paraan,
samantalang ang hangad ni Delfin ay dahang-dahang pag-akay sa mga tao upang
mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa
pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng
sosyalismo.

 

Si
Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa
na. Ang mga dalaga’y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang abogadong
si Madlanglayon. Ang kasal nila’y napakarangal at napakagastos, isang bagay na
para kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabulukan ng sistema ng lipunan na
pinaghaharian ng mga mayayamang walang kaparakan kung lumustay ng salapi
samantalang libu-libong mamayan ang salat na salat sa pagkain at sa iba pang
pangunahing pangangailagan sa buhay.

 

Sa
tulong ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala ni Delfin
si Meni.

Napaibig si Delfin kay Meni subalit tutol dito
si Don
Ramon dahil una, ito’y maralita, at ikalawa dahil tahasang ipinahayag nito ang
kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang dalawa sa isang paliguan sa
Antipolo. Tinangka niyang paghiwalayin ang
dalawa. Binugbug man ng ama si Meni ay hindi nabago ang pasiya nitong sumama
kay Delfin.  Ang pagtututol niya
ay walang nagawa. Nakapangyari ang pag-ibig hangang sa magbinhi ang kanilang
pagmamahalan. Nang mahalata ni Talia at ni Madlanglayon ang
kalagayan ni Meni, hindi nila ito naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don
Ramon. Sinaktan nito si Meni at halos patayin. Sa pakiusap ni Madlanglayaon,
pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin ngunit ito’y pinapunta sa Amerika kasama ang aliping si Tikong atsaka nagpagawa ng
isang testamento na nag-iiwan na lahat ng kayamanan sa dalawang anak; si Meni
ay walang makukuhang kayamanan.

 

Pinagnasaan naman ng asawa ni Talia na si Honorio
Madlang-Layon ang kayamanan ni Don Ramon. 
Ginamit niya ang katusuhan bilang abogado upang mapasakamay nilang
mag-asawa ang lahat ng salapi, sapi, yaman, at lupain ng matanda. Pinilit namang
kumbinsihin ni Talia si Meni na iwan ang esposo nito at balikan ang layaw na
tinalikdan subalit nanaig kay Meni ang puri ng taong ayaw sumandig sa kayamanan
ng magulang, at tapat na nagmamahal sa asawa. 
Si
Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin
bagamat paminsan-minsan, kung mahigpit ang pangangailangan, nagbebenta siya ng
mga damit o nagsasangla ng kanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito’y labis na
dinaramdam at ikinahihiya ni Delfin, subalit wala naman silang magawa dahil
sila’y mahirap lamang.

 

Noong
simula, dinadalaw lagi si Meni ng dalawang niyang kapatid (lalo na ni Talia)
upang padalan siya ng tulong. Pinadadalhan siya ng pera at ilang mga damit.
Subalit ang pagdalaw at pagtulong ay dumalang nang dumalang haggang sa tuluyang
huminto.  Samantala, si Don Ramon, dahil
sa kanyang kahihiyan sa lipunan dahil sa kalapastangang ginawa nina Meni at
Delfin, ay tumulak patungong Hapon, Estados Unidos at Europa kasama ang isang
paboritong utusan. Hindi na niya binalak pang bumalik sa Pilipinas. Nakalimutan
niya ang pagwasak na nagawa niya sa karangalan ng maraming babae na kanyang
kinasama; ang tanging nagtanim sa kanyang isip ay ang pagkalugso ng sariling
karangalan sa mata ng lipunan dahil kina Meni at Delfin.

 

Samantala,
nagluwal ng sanggol na lalaki si Meni. Sa pagnanais na makapaghanda ng isang
salu-salo sa binyag ng kanilang anak, susog sa mga kaugalian, si Meni ay
nagsangla ng hikaw, sa kabila ng pagtutol ni Delfin na tutol sa lahat ng
karangyaan. Ang ninong sa binyag ay walang iba kundi si Felipe na hindi lamang
makatanggi sa kaibigan, subalit kontra rin siya sa seremonyas ng pagbibinyag.
Bilang anarkista ay laban siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan. Sa karamihan
ng mga pangunahing dumalo, kumbibado’t hindi, ay kamuntik nang kulangin ang
handa nila Delfin, salamat na lamang at ang kusinero ay marunong pagdating sa
ganitong mga pangyayari kaya nasagip pa sila sa problema.

 

Ang
kasiyahan ng binyagan ay naputol sa pagdating ng isang kablegrama na
nagbabalitang si Don Ramon ay napatay ng kanyang kasamang utusan sa hotel sa New
York. Nang dumating sa daungan ang bangkay, sumalubong ang lahat ng manggagawa
sa pagawaan ng tabako sa atas ni Don Felimon na kasosyo ni Don Ramon, na
nagbabalang hindi pasasahurin sa susunod na Sabado ang lahat ng hindi
sasalubong.

 

            (Kasama sa naghatid ng bangkay sa
Pilipinas si Ruperto, ang kapatid ni Tentay na malaon nang nawawala. Pagkatapos
makapaglibot sa Piipinas, kasama ng isang Kastilang kinasanlaan niya sa maliit
na halaga, siya’y ipinagbili o ipinahingi sa isang kaibiganng naglilingkod sa
isang tripulante. Dahil dito, nakapaglibot siya sa iba’t ibang bansa sa Aprika
at Europa, at pagkatapos ay nairahan sa Cuba at California, at sa wakas ay
namalagi sa New York. Doon siya nakilala at naging kaibigan ng utusang kasama
ni Don Ramon na naninirahan sa isang hotel na malapit sa bar na kanyang
pinaglilingkuran. Si Ruperto ang nagsabi kay Felipe na kaya pinatay si Don
Ramon ay dahil sa kalupitan nito sa kanayang kasamang utusan.)

           

Ang
libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia. Haggang sa
libingan ay dala-dala pa ng mayamang pamilya ni Don Ramon ang ugali ng
karangyaan na pananalat at paghihirapan ng maraming mamamayan. Sa libingan ay
Naiwan sina Delfin at Felipe na inabot ng takipsilim sa pagpapalitan ng mga
kwento at paniniwala.  Sila ay nagtagisan ng paniniwala hinggil sa sosyalismo at
anarkismo. 

 

Naalala
ni Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga kasama’t utusan ng kanyang ama.
Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-asa para sa maralitang mga mamamayan habang
namamalagi sa batas ang karapatan ng mga magulang na magpamana ng yaman at
kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila ang laganap na kamangmangan at mga
pamahiin, ang bulag na pananampalataya. Kakailaganin ang mahaba at walang
hanggang paghihimagsik laban sa mga kasamaang umiiral. Marami pang bayani ang
hinihingi ng panahon. Kailagang lumaganap ang mga kaisipang sosyalista, hindi
lamang sa iisang banse kundi sa buong daigdig baago matamo ang tunay at lubos
na tagumpay. Napag-usapan nina Felipe at Delfin ang kasaysayan ng anarkismo at
sosyalismo at ang pag laganap nito sa Europa, sa Aprika at sa Estados Unidos.
Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay na napuputa sa pagpapalago ng mga ideyang
makamaralia ay kakaunti kung ipaparis sa napakaraming tao na araw ataw ay
pinahihirapan. Subalit matigas ang paninindigan ni Delfin laban sa ano mang
paraang na magiging daan para sa pagdanak pagdanak ng dugo.
Sa huli, dumako sila sa yugtong hindi pa
napapanahon ang rebolusyon ng mga anakpawis dahil hindi umaabot sa kalagayang
malaganap na ang kaisipang sosyalismo sa kapuluan.